Mosh mosh halu friend ^
  

Hindi ko alam kung anong pumapasok sa isip ko at patuloy parin akong nagboblog ng something about us, our past. Kung mababasa mo man ‘to. Kasi alam ko hndi kana magtutumblr ulit. Pero kung papalarin, gusto kong malaman mo na. Gusto kitang ipaglaban, gusto kitang angkinin muli, kasi gusto ko akin kalang. Pero una sa lahat, hindi kana akin. At wala akong kasiguraduhan kung mahal mo pa patalaga ako. Hndi ko alam kung anong meron sya na wala ako, kung anong mga bagay ang naibibigay nya na hndi ko naibbgay sa’yo although ginagawa ko ang lahat ng bagay para lang maging masaya ka, maging maayos tayo, at higit sa lahat tumagal pa tayo. Umasa ako sa “Forever” na sinasabi mo sa akin, naniwala ako na hindi kana magmamahal ng iba kasi kontento kana sa akin. Na wala akong katulad, na ako lang yung nagmahal sa’yo ng ganito. Nasasaktan ako, oo. Pero ano panga bang magagawa ko? Wala na akong pinanghahawakan, kahit ikaw, yung puso mo, at kahit ano pang meron ka. Kahit sinasabi mong mahal mo pa ako, mahal na mahal. Nahihirapan parin ako kasi nangyari na nga yung ganito. At this time, gusto kong sabihin sa’yo na mahal kita. Kahit na ganito na, mahal na mahal parin kita. Oo nagalit ako, pero wala akong magwa kasi mahal kita. Alam ko hndi agad makakalimutan yung 7 months na pinagsamahan naten yung mga araw na masaya ta’yo yung mga araw na nagkakaproblema tayo pero nasusulusyunan naten kasi mahal natin ang isa’t isa. Yung mga araw na, nagaalala ka sa akin. Tinetext mo si Tita, nagaalala ako sa’yo tinetext ko si Tito. Yung mga araw na, nagaaway ta’yo tapos magtititigan ta’yo sasabihin sa isa’t isa na “Sorry, I love you!” Yung mga pagkakataong niyayakap mo ako, kasi malungkot ako at dissapointed sa mga nangyayari. Hndi ko mapigilan ang umiyak kasi, masakit, mahapdi, kumikirot. Kasi mahal kita. Hnding hndi ko makakalimutan yung mga bagay na nagawa ko para lang sa’yo, yung mga bagay na nagsasakripisyo ako para lang sa’yo. Hndi ko makakalimutan na sa’yo lang ako nagkaganito, at sa’yo lang ako nagbigay ng malaking letter para sa retreat mo. Mahal na mahal kita, dati, ngayon, bukas, at kahit kaylan. Nagpapasalamat narin ako kasi sa pitong buwan na pagsasama natin, naging masaya ako. Pinaramdam mo na mahalaga ako, na maganda ako kahit ilang saglit lang, na tanggap mo ako kung sino ako, at kung anong meron at wala ako.   Salamat sa’yo, kasi ngayon alam kona na hindi kaylangan maniwala agad, umasa, sa mga salitang alam nateng mababali din.

Mahal na mahal kita.