Mosh mosh halu friend ^
  

Salamat aking mahal,

Hindi lang sa pagmamahal na pinaparamdam at pinapakita mo, kundi sa pagtitiis at pagpapasensya mo sa ugaling meron ako. Maraming salamat sayo, dahil sa mga oras na hinang-hina ako ikaw ang nagsisilbing pagasa ko kaya bumabangon muli ako. Salamat kasi sa mga oras na baliw at halimaw ako, ikaw lang nagtyatyagang umintindi at sumuyo sa akin. Oo, alam ko.. Hindi sapat ang pasasalamat ko sayo, pero wag kang magalala gagawin ko ang lahat para lang masuklian ng doble lahat ng paghihirap mo para sa akin. Mahal na mahal kita.

Babe, salamat sayo. Kasi ikaw lang yung lalaking umintindi ng ganito sa akin, sa oras na sobrang badtrip ako at wala ako sa sarili ko naiintindihan mo parin ako. Wala na akong masabi kasi sobrang tatag mong tao, salamat kasi hindi ka nagpapadala sa emosyon mo. At hangga’t maaari hindi mo hinahayaang matalo ka nito. Mahal na mahal kita, huwag mo yang kakalimutan.

  1. maygustongbalikan posted this